Friday, May 27, 2011

munting hiling-

Sana ay palagi kitang nakakasama
Magmula umaga hanggang sa dilim
Sana ay palagi kitang nakakasama
Sana ay bigyan pansin
Itong munting hiling.

Kulang ang bawat araw
Kapag ika’y kapiling
Kahit na malapit parang malayo ka din
Sana ay palagi ka na lang sa akin
Sana ay bigyan pansin
Itong munting hiling.

Walang ibang inaasam
Walang ibang hinahangad
Kung di ang iyong pagmamahal
O INAY!

Sana ay palagi kitang makakasama
Yan ang lagi kong hiling
Sana ay mapansin
Sana ay bigyan pansin
Itong munting hiling

1 comment: